Ang mga biktima na kasalukuyan pang nilalapatan ng lunas sa Bacolod City Hospital dahilan sa tinamong mga tama ng sharpnels sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang sina Herminio Balasabas, 8-anyos; Junior Balasabas, 32; Glen Argawon, 22 at Allan Agabon.
Batay sa ulat, bandang alas 4 ng hapon ng maganap ang pagsabog sa Brgy. Celestino Villacen, Cadiz City, Negros Occidental.
Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang pagsabog ay nakatanggap ng report ang mga awtoridad hinggil sa umanoy isinasagawang graduation rites sa kanilang mga bagong recruits ng RPA-ABB, breakaway ng NPA.
Naghihinala ang mga awtoridad na posibleng nagkaroon ng premature na pagsabog ng M79 rifle grenade na ginamit ng mga bagong recruits bilang bahagi ng kanilang firing demonstration. (Ulat ni Joy Cantos)