Pulis tinodas ng ‘agaw-armas’

RIZAL – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 32-anyos na pulis ng mga kasapi ng agaw-armas gang habang ang biktima ay lulan ng motorsiklo sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi. Tinangay pa ang baril at motorsiklo ng biktimang si PO3 Ronnie Santos na nakatalaga sa Rodriguez police station, tinutugis naman ang mga suspek na sina Alex Santos, utol nitong si Henry at dalawang alyas Loloy Bunganga at Tony. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na nagsasagawa ng follow-up operation ang biktima bandang alas-10:30 ng gabi sakay ng motorsiklo (PS-1469) nang harangin ng lima at paslangin. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments