Ang mga nasawi ay nakilalang sina Jovie Arevalo, 20, at Irene Baylo, 18, na pawang dalaga at nakatira sa Barangay East Carisac.
Ayon sa report, bandang alas-2 ng hapon ng maligo ang mga biktima kasama ang ilang kabigan nitong Biyernes Santo sa isang ilog sa nasabing lugar.
Pinulikat umano ang dalawang biktima habang naliligo sa malalim na parte ng ilog kaya mabilis na sumigaw ang mga ito ng tulong pero kahit tinangkang sagipin ang dalawa ng kanilang mga kasamahan ay lumubog ang mga ito.
Pilit pa ring sinagip ng mga kasamahan sina Jovie at Irene saka dinala sa pagamutan pero idineklarang dead on arrival sanhi ng nainom nitong tubig.
Napag-alaman na hindi umano marunong lumangoy ang dalawang biktima at inakala na mababaw lamang ang nasabing ilog kaya nagtampisaw ang mga ito hanggang sa malunod. (Ulat ni Ed Casulla)