Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng punglo sa kanyang ibabang bahagi ng katawan ay si Lamberto Lacdao, 30, may-asawa at residente ng Abellanosa corner Juarez St. sa lungsod na ito habang boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Renato Salvador Jr., 24, binata, ng Barangay Ibabang Iyam.
Sa isinagawang imbestigasyon nina SPO3 Marcelino Uy at SPO1 Reynaldo Belarmino, may hawak ng kaso, naganap ang pangyayari dakong alas-9:30 ng gabi habang binabantayan ng naturang sekyu ang pinaglilingkurang restaurant.
Ilang minuto ang lumipas ay inilabas umano ng sekyu ang kanyang baril at pinaglaruan subalit kinalaunan ay aksidenteng pumutok bago tumama ang bala sa biktimang waiter na nooy nakaupo lamang.
Mabilis na isinugod sa Mt. Carmel General Hospital ang biktima subalit hindi na umabot pang buhay. (Ulat ni Tony Sandoval)