Campaign truck ng congressional bet sinunog ng NPA rebels
May 10, 2001 | 12:00am
Sinunog ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang cargo truck na ginagamit sa pangangampanya ng isang kandidatong kongresista sa isa na namang insidente ng paghahasik ng terorismo sa Manay, Davao Oriental kamakalawa.
Ang sinunog na Forward Cargo truck ay napag-alamang pag-aari ni Davao Oriental congressional bet Cora Malangyaon, ng Cateel, Davao Oriental at tumatakbo sa District 1 ng lalawigan.
Batay sa ulat, bandang alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sitio Napo, Bgy. San Ignacio sa bayan ng Manay.
Kasalukuyan binabagtas ng campaign truck ang national highway sa nasabing lugar mula sa Davao City at patungong Cateel upang doon naman mangampanya nang harangin ng mga suspek at sunugin.
May teorya ang pulisya na ang panununog ay may kinalaman sa patanggi ni Malangyaon na magbayad ng P100,000 campaign access fees sa mga rebeldeng komunista para sa mga lokal na pulitikong kumakandidato sa matataas na posisyon na inaangkin ng mga itong teritoryo sa lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest