Nakilala ang nasawing biktima na si ex-mayor Felix Frayna, 55, kakandidatong mayor sa nabanggit na bayan sa ilalim na partido ng LAKAS-NUCD. Ito ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang ulo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Samantala, agad namang isinugod sa pagamutan ang dalawa niyang kasamahan na sina Ulysses Frelles, 35 at Renato Estrallada, 40, kapwa campaign manager ng biktima.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:35 ng gabi habang ang biktima ay nagsasalita sa ibabaw ng stage sa isinagawang rally sa nabanggit na barangay nang ang dalawang suspect na armado ng kalibre .45 baril ay biglang lumapit sa biktima at saka ito binaril nang malapitan.
Sa kasalukuyan isang manhunt operation ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa ikadarakip sa mga suspect na tumakas matapos ang isinagawang pamamaril sa biktima.
Sa unang ulat, sinasabing mga rebeldeng NPA ang posibleng nagsagawa ng naturang krimen.
Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang, gayunman malaki ang paniwala ng mga kamag-anak ng nasawi na hindi mga rebelde kundi may malaking kinalaman sa politika ang naganap na pagpaslang sa dating mayor. (Ulat ni Ed Casulla)