Ang Juken Sangyo Japan na naglagak ng karagdagang US$20M investment sa bansa ang pinasinayaan kahapon sa Subic Freeport sa pagbubukas ng bagong kompanya na itinayo sa kauna-unahan sa rehiyon ng Asya Pacifico.
Sinabi ni Juken Sangyo, Japan Senior Managing Director, Yusho Nakamoto na ang pinakamalaking trade mission ng bansa ay bahagi lamang ng grupo ng mga Japanese investor na nagpapahayag ng kanilang interest na magnegosyo sa Subic.
Ang Juken Sangyo Japan na gumagawa ng world class panels at decorative lumber boards na iniluluwas sa maraming panig ng mundo at isang subsidiary ng Juken Nissho Ltd. na nakabase sa New Zealand ang nangangailangan ng bagong 500 hanggang 1,000 Pilipinong manggagawa.
Sinabi naman ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman Felicito Payumo na isang karangalan sa ating bansa ang magkaroon ng ganitong malaking imbestor sa Subic mula sa bansang Japan na lubos na nagtitiwala sa kakayahan sa ikauunlad ng bansa. (Ulat ni Jeff Tombado)