20 truck ng basura pinagbabato ng mga residente
January 16, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY – Tinotoo na ng mga residente sa lunsod ang banta nila sa mga truck ng basura nang tinatayang 20 sa mga ito ang nasira ang mga salamin at nasaktan ang mga driver at pahinante matapos na pagbabatuhin ng mga residente nang tangkain ng mga itong magtambak sa San Mateo landfill.
Bagamat hindi nagawa ng mga residente ang kanilang panakot na sunugin ang mga truck ng basura, naghiganti naman ang mga nakatira sa gilid ng kalsada at mga tambay nang paulanan nila ng malalaking tipak ng bato at bote ang mga dumaang mga truck ng basura.
Katunayan ang mga nagkalat na basag na bote at mga bato sa kahabaan ng Marcos highway na naging dahilan nang pagkakabuhol-buhol ng daloy ng trapiko. (Ulat ni Danilo Garcia )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest