Sa isinagawang press conference kamakalawa ng gabi, nagsampa ng kasong criminal civil at administrative case sina Mr. Sergio Mesina, Jr. at ang maybahay nito na si Mrs. Maria Sonora Mesina sa pagkamatay ng kanilang anak na si Sherry Camille M. Mesina, 7, kapwa residente ng 124 Purok 3 Roosevelt, Dinalupihan, Bataan.
Ang pagsasampa ng mga kasong nabanggit sa Justice Hall ng Olongapo City ay sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Leonuel N. Mas.
Ayon sa mga reklamong inihayag sa mga mamamahayag ng pamilya Mesina, unang inireklamo ng mga ito ang Special Education Center for Mentally Gifted Child (SPED) na nasa Kalayaan Housing Area, Subic Bay Freeport kung saan si Sherry ay grade 2 pupil ng nasabing paaralan.
Si Sherry ay namatay sanhi ng pagkakauntog nito sa semento makaraang madulas habang naglalakad sa bisinidad ng naturang paaralan. Sinabi ng mga magulang na matapos na mauntog ay may ilang nakasaksi kay Sherry na nagsusuka ito kaya hindi umano ito pinansin na ang akala lamang ng mga nakasaksi ay mayroon lamang umanong nakain na sirang pagkan.
Subalit ilang sandali pang nakalipas ay dugo na ang isinusuka ni Sherry hanggang sa mahilo ito at tumirik ang mga mata ng biktima. Inireklamo din ng kapabayaan ng mga magulang ng biktima ang principal ng paaralan na si Luz Cubelo dahil sa kapabayaan umano nito sa kanyang mga estudyante na sa halip na tulungan ang bata at tumawag ng ambulansiya ay pinanood lamang ito nang magsusuka ang bata.
"Hindi man lang niya nilapitan ang bata upang tulungan at tumawag ng ambulansiya na nagsusuka na ng dugo ang anak ko ay wala pa rin siyang ginagawa, nakatayo lang at nanonood" ani Mrs. Mesina.
Sinabi pa ng principal sa pamilya Mesina na hindi umano sagutin ng paaralan ang nangyaring insidente sa kanilang anak kundi sagutin ng mga ito ang nangyaring insidente ng kanilang anak.
Kasamang inireklamo din ng magulang sa pagkamatay ng biktima ang Mother & Child Hospital sa lungsod ng Olongapo partikular na si Dr. Leslie Anne Alcausin sa kapabayaan nito.
Sinabi na ni hindi lamang sinuri umanong mabuti ng doktor ang biktima kung ano ang kinalalagyan ng bata sa halip na nilagyan kaagad ng suwero ang braso ng biktima kasabay ng paghingi ng pera sa mga magulang na pambayad sa nasabing ospital.
Ayon pa sa pahayag ng magulang, matapos umano na lagyan ng suwero ang biktima ay balewalang umalis ng kuwarto ang doktor at ng kanilang tuntunin ay hindi umano ito mahagilap.
Makalipas ang ilang oras ay binawian ng buhay si Sherry sa Mother & Child Hospital ayon sa autopsy report ng ospital ay Cardio Pulmonary Arrest ang ikinamatay ng biktima na taliwas naman sa isinagawang autopsy report ni Medico-Legal Expert na si Dr. Richard Patillano na ang naging sanhi ng pagkamatay ng bata ay Intracelebral Hemorrhage-Servica Spine Fracture at traumatic o ang pagkaputol ng ugat at pagkabali ng spinal column ng bata. (Ulat ni Jeff Tombado)