Nabigo naman ang suspect na nakilalang si Roanson Romano, alyas Roa, residente ng Purok 10, Circumferential Road, Barangay San Roque sa kanyang ambisyong maging Reyna ng Kagandahan matapos siyang dakpin ng mga kagawad ng pulisya.
Sa isinagawang imbestigasyon, ipinagkatiwala ng biktimang si Dionisio Voluntarioso, 35, kay Roa ang halagang P 14,000 na nakatakda niyang ipambayad sa kinuha niyang tricycle.
Agad namang nagtungo sa Ali Mall si Roa at namili ng mga mamahaling make-up , damit at sapatos na gagamitin niya sa sinalihang contest.
Sa kanyang alibi, sinabi ni Roa na akala niya ay ibinigay sa kanya ng biktima ang naturang halaga bilang suporta sa sinalihan niyang contest.
Ang suspect ay nakapiit ngayon sa Antipolo Detention Cell at inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Danilo Garcia)