Nasamsam ng mga awtoridad buhat sa mga nasawi ang limang M-16, dalawang M-14, kalibre .38 at mga subersibong dokumento.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang mga pangalan ng mga rebelde at ang mga labi ay dinala sa Batangas PNP headquarters.
Isinugod naman sa Provincial Hospital ang nasugatang si SPO3 Nicolas Closa na nakabase sa Batangas-PPO sanhi ng tinamo nitong tama ng bala sa katawan.
Base sa inisyal na ulat, ang sagupaan ay nangyari dakong alas-11:45 ng umaga nang masalubong ng mga rebelde na lulan ng isang dump truck ang mga pulis at mga elemento ng Police Mobile Group sa kahabaan ng Barangay Haliging Kaunlaran.
Kaagad pinaulanan ng mga putok ng mga rebelde ang mga aworidad na dumarating.
Nabatid na ang mga awtoridad ay nagsasagawa ng kanilang routine check-up sa mga hinihinalang mga pugad ng mga rebelde.
Tumagal ng ilang minuto ang sagupaan ng mga rebelde at ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakasawi ng walo at pagkasugat ng pulis.
Napilitang tumakas ang mga rebelde ng makita na ang kanilang mga kasama ay may mga tama at walo na ang nasawi sa kanilang grupo. (Ulat ni Ed Amoroso)