Nakilala ang nasawing biktima na tinadtad ng saksak sa katawan na si Jenelyn Atim, 13.
Samantalang ang nadakip na killer-rapist ay nakilala namang si Danilo Delfin, ng nabanggit ding bayan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi habang ang biktima ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay galing sa paaralan.
Bigla na lamang itong dinakma ng suspect at saka hinila sa madilim na lugar at doon ginahasa at saka pinatay.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis na lumabas sa lugar na pinangyarihan ang suspect na may mantsa pa ng dugo ang damit.
Isang saksi ang nakakita sa suspect na tinungo ang lugar na pinanggalingan nito at doon nakita ang labi ng biktima.
Mabilis na nagsumbong ang saksi sa pulisya na agad namang nagsagawa ng follow-up operation kung kaya agad na naaresto ang suspect na noon ay naghahanda na sa pagtakas. (Ulat ni Ed Casulla)