Pangulong Marcos bumilib sa ‘tax modernization’ program

The Philippine Exporters Confederation Inc., meanwhile, said it is still waiting for an official statement from the Department of Finance and BIR on the deferment.
The STAR / Krizjohn Rosales, File photo

MANILA, Philippines — Umani nang papuri, mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang digital transformation program ng Bureau of Internal Revenue (BIR), na isang malaking hakbang para sa mas mabilis at madaling paraan ng pagbabayad ng buwis ng mga mamamayang Pilipino at sa iba’t-ibang negosyo.

Sa paglulunsad ng BIR 2025 National Tax Campaign Kickoff, binigyan-diin ni Presidente Marcos ang kahalagahan ng modernong tax system, na kapwa makapagbebenepisyo sa business sector at sa bansa.

“The digital transformation program has revolutionized taxpayer services… tax compliance is now more convenient for businesses, allowing them to focus on their businesses’ growth and their productivity. That is the modernization we aim for in a tax system that truly serves the people,” ang pahayag pa ng Chief Executive.

Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ang BIR ay nakapagpatupad ng ilang mahahalagang inisyatibo para gawing simple ng pagpasunod sacv alintuntunin ng pagbubuwis.

Kabilang sa mga ito ang Online Registration and Update System (ORUS), Digital TIN, ang Electronic One-Time Transactions (eONETT), gayundin ang expansion ng ‘eLounges’ at nakatakdang pagbubukas ng ‘contact center’. Ayon kay Lumagui, prayoridad ng BIR ang digitalization ng tax services nito para sa “faster, hassle-free system experience” ng mga taxpayer at himukin ang boluntaryo pagsunod at pagkakaroon ng tiwala sa proseso ng gobyerno.

“Sinisiguro natin na kung ano man ‘yung magiging ultimate result ng ating digital transformation ay mararamdaman ng mga taxpayers. Makikita po ‘yun dahil mas magi­ging madali at magiging streamlined po lahat ng mga proseso na ginagawa natin sa BIR,” dagdag pa ni Lumagui.

Show comments