MANILA, Philippines — Naitala sa ‘record low’ na 46 percent ang bilang ng mga Pinoy na nagsabing masaya sila sa kanilang love life.
Ito ang resulta ng survey ng Social Weather Station na inilabas nitong Martes, Pebrero 11, kung saan ang kasalukuyang bilang ay mababa ng 12 points mula sa 58 percent noong Disyembre 2023.
Ang huling pinakamababang porsyento ng masaya sa love life ay 20 taon na ang nakalilipas sa 46 percent, o noong 2004.
Nasa 36 percent ng mga Filipino naman ang naniniwalang may isasaya pa ang kanilang relasyon, habang 18 percent ang nagsabing wala silang lovelife.
Ang non-commissioned SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng 2,160 adults edad 18 at pataas.May national sampling error margin ito na ±2 percent.