LPG tataas ng P1.20/kilo ngayong Disyembre 1
MANILA, Philippines — Kung may taas-baba sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipatutupad sa Martes, asahan naman ngayong unang araw ng Disyembre ang pagtataas ng halaga ng Liquified Petroleum Gas (LPG) na gamit ng karamihang Pinoy sa pagluluto.
Sa anunsyo ng Petron, itataas nila mula ngayong Linggo o December 1, ganap na alas- 12:01 ng umaga sa P1.20 ang bawat kilo ng LPG.
Kung susumahin, aabot sa P13.20 ang halaga ng taas presyo sa bawat LPG Cylinder na may 11 kilogram.
Paliwanag ng Petron, ang pagtaas ng presyo ng LPG ay bunga ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Disyembre.
- Latest