^

Police Metro

Marcos namahagi ng P21 milyon sa Tondo fire victims

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasabay ng paggunita ng Bonifacio Day, nagtungo kahapon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Tondo, Maynila para personal na mamahagi ng may P21-milyong tulong pinansyal para sa libu-libong residente na biktima ng malaking sunog.

Ang tulong ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). 

Sa naturang halaga, namahagi ang Pangulo kasama si Manila Mayor Honey Lacuna ng P10,000 sa 2,100 na biktima ng sunog at food packs, nasa 2,000 blankets at 2,100 sleeping mats mula sa Office of the President.

Ayon sa Pangulo, patuloy na magtutulungan ang national at local government para maihatid ang lahat ng pangangailangan ng mga biktima ng sunog.

Ang mga nawalan ng tahanan ay pansamantalang nanunuluyan sa Delpan evacuation center sa Brgy. 29, Tondo, Manila na binisita ni Marcos para alamin ang kanilang mga kondisyon at tiniyak na bibigyan pa sila ng tulong bago ang Pasko.

“Pag kayo ay hindi pa namin naiuwi pagdating ng Pasko, ako’y pupunta rito magpa-party, mag me-Merry Christmas tayo. Sama-sama. ‘Yan ‘yung pag-udyok ko kay Mayor Lacuna,” sinabi pa ng Pangulo.

Tinatayang 2,114 pamilya o 6,957 indibidwal ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Purok 1,2,3 ng Isla Puting Bayo, Brgy. 20, None 2, Tondo, nitong Nob. 24 dahil sa faulty electrical wiring.

FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with