^

Police Metro

Agham at BIR Road sa Quezon City, pinalitan na ng Senador Miriam Defensor-Santiago Ave.

Gemma Garcia - Pang-masa
Agham at BIR Road sa Quezon City, pinalitan na ng Senador Miriam Defensor-Santiago Ave.
File photo of former Sen. Miriam Defensor-Santiago at the Senate in Manila on February 22, 2012.
AFP / Pool / Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Matapos na ganap nang maisabatas ang Republic Act No. 11963 o ang pagpapalit ng pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Quezon City, tatawagin na ang nasabing mga kalsada na “Senador Miriam P. Defensor-Santiago Avenue”.

Ito ay makaraang mag-lapse into law at payagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging batas ang panukala.

Nakasaad sa Article VI, Section 27 ng Konstitusyon na magiging batas ang isang panukala kapag hindi nilagdaan ng Pangulo sa loob ng 30 araw mula nang matanggap ng Office of the President.

“The Department of Public Works and Highways shall issue the necessary rules, orders and circulars to implement the provisions of this Act within 60 days from its effectivity,” nakasaad pa sa batas.

Magiging epektibo ang bagong batas 15 araw matapos ang publication sa Official Gazette o mga malalaking pahayagan na mayroong general circulation.

BIR

REPUBLIC ACT NO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with