^

Police Metro

Vog sa bulkang taal, wala na - Phivolcs

Angie dela Cruz - Pang-masa
Vog sa bulkang taal, wala na - Phivolcs
This handout photo courtesy of X (formerly Twitter) user @markymarksworld on September 22, 2023 shows smog from Taal Volcano hanging over Tagaytay city in Cavite Province. Thousands of people were warned to stay indoors and many schools were shut on September 22 as a thick haze blanketed the Philippine capital and surrounding provinces. A spike in sulphur dioxide emissions from a volcano and a weather phenomenon that traps smog were blamed for the hazardous air enveloping the heavily-populated region.
Handout / Courtesy of X user (formerly Twitter) @markymarksworld / AFP

MANILA, Philippines — Makakahinga na nang maluwag ang mamamayang apektado sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal matapos ihayag ng Philippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs) na nawala na ang “vog” na bumabalot sa bulkan kahapon.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, malinaw nang nakikita ngayon ang view ng Bulkang Taal dahil wala nang vog na bumalot sa may Caldera nito makaraan ang halos “zero visibility” sa lugar nitong Huwebes at Biyernes dahil sa vog o smog.

Sa kabila nito, sinabi ni Bacolcol na nananatiling banta ang pagkakaroon ng vog sa may bulkan hangga’t naglalabas pa ito ng asupre.

Nabatid sa Phivols na Sabado ng umaga, nagluwa ang Bulkang Taal ng 2,730 tonelada ng asupre at may upwelling ng mainit na volcanic fluids mula sa Main Crater Lake na nagdulot ng vog.

Nagkaroon din ng malakas na pagsingaw ang bulkan na may 1,800 metrong taas na napadpad sa hilagang-silangan. Kinakitaann din ito ng pangmatagalang pag-impis ng kalakhang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga sa hilagang bahagi ng Taal Volcano Island (TVI).

Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa  TVI lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures at sa pamamalagi sa lawa ng Taal.

Pinagbabawal din ang paglipad ng anumang eroplano malapit sa tuktok ng bulkan dulot ng bantang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

Sa kabila ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkan, nananatiling nasa alert level 1 ang Bulkang Taal.

TAAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with