^

Police Metro

Bangkay ng 2 piloto sa Cessna plane crash, narekober na

Victor Martin - Pang-masa
Bangkay ng 2 piloto sa Cessna plane crash, narekober na
The Provincial Director of Apayao Police Provincial Office (PPO), PCOL JEFFERSON CARIAGA, immediately deployed a Search Rescue and Retrieval (SRR) Team to conduct an extensive search and rescue operation after receiving a report regarding a Cessna plane that crashed while on a training flight between the Municipalities of Luna and Pudtol.
RPIO Police Regional Office Cordillera / Facebook

MANILA, Philippines — Narekober na ang na­wawalang Cessna 152 plane na bumagsak sa kabundukan na nasa boundary ng Luna at Pudtol sa lala­wigan ng Apayao, kama­kalawa ng tanghali.

Ayon kay Army Major Rigor Pamittan, Division Public Affairs Office chief, natagpuan ng pinagsanib na pwersa ng 98th at 17th Infantry Battallion ng Phi­lippine Army, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection (BFP), Apayao Provincial Disaster Risk Reduction at municipal search teams kabilang na ang mga local volunteers ang crash site sa bahagi ng Sitio Matad, Brgy. Salvacion sa Luna malapit sa Brgy. San Jose sa bayan ng Pudtol bago mag-alas-12:00 ng tanghali ng Huwebes.  

Narakober din ang mga labi ng dalawang sakay ng bumagsak na eroplano na nakilalang sina flight instructor Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo, residente ng San Juan City, at student pilot na si Anshum Raj­kumar Konde, isang Indian national.

Matatandaan na ang Cessna 152 plane na may tail number RP-C8598 ay umalis sa Laoag International Airport sa lalawigan ng Ilocos Norte dakong alas-12:16 ng tanghali nitong Martes at inaasahan na lalapag sa Tuguegarao airport sa lalawigan ng Cagayan dakong ala-2:00 hanggang 3:00 ng hapon subalit nabigo itong makarating sa nabanggit na paliparan.

Kahapon ay naipasa­kamay na sa pamilya ni Tabuzo ang kanyang mga labi habang ang kay Konde ay ibibigay sa Indian Embassy.

CESSNA PLANE

CRASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with