‘Super Health Center’ isinusulong sa Senado
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga inisyatiba at legislative measures na naglalayong palakasin ang paghahatid ng public healthcare services, partikular na sa mga liblib na lugar, kasabay nang pagdalo niya sa groundbreaking ng Super Health Center sa Barangay Esmeralda, Balungao, Pangasinan kamakailan.
Ito aniya ang dahilan kung bakit isinusulong niya ang paglikha ng mga Super Health Centers sa buong bansa.
Ang Super Health Center ay ang medium version ng polyclinic ngunit mas mahusay na bersiyon ng rural health unit na ang serbisyong iniaalok ay kinabibilangan ng database management, out-patient, birthing, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy, at ambulatory surgical unit. Mayroon ring eye, ear, nose, and throat (EENT) service; oncology centers; physical therapy at rehabilitation center; at telemedicine, kung saan maaaring isagawa ang remote diagnosis at treatment ng mga pasyente.
“Isinulong po natin at ipinaglaban na magkaroon ng Super Health Center dito sa inyo dahil alam ko po kung gaano ninyo kailangan na mapalapit sa inyo ang serbisyong medikal ng gobyerno. Naiintindihan ko po na napakalayo ng inyong barangay sa sentro kaya naman kami na po gumawa ng paraan para hindi na kayo lumayo pa,” ayon pa kay Go.
Una nang sinabi ni Sen. Go na ang pamahalaan ay mayroong halos P3.6 bilyong available funds para sa 2022 Health Facilities Enhancement Program para sa pagpapagawa ng 305 Super Health Centers sa bansa.
- Latest