^

Police Metro

Pulis tinapunan ng taho… bastos na Chinese, inaresto sa MRT-3

Mer Layson - Pang-masa
Pulis tinapunan ng taho… bastos na Chinese, inaresto sa MRT-3
Nasa larawan ang walang respeto sa otoridad na si Jialz Zhang habang kinakausap ni NCRPO director chief Guillermo Eleazar matapos arestuhin dahil sa ginawang pambabastos nito kay PO1 William Cristobal.
Boy Santos

MANILA, Philippines —  Sa selda ang bagsak ng isang walang galang na Chinese student matapos nitong ‘di respetuhin at tapunan pa ng taho ang isang naka-unipormeng pulis habang ipinapaliwanag nito kung bakit hindi siya maaaring magpasok ng taho sa istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Mandaluyong City kahapon.

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dakong alas-8:30 ng umaga nang arestuhin ang pasaherong si Jialz Zhang, 42, isang Chinese national, at estudyante ng School of Fashion at Sofa Design Institute sa Boni Station sa Mandaluyong City.

Nabatid na papasakay na sana si Zhang sa tren ng MRT-3 sa Boni Station nang pagsabihan ng security personnel na kai­langang ubusin muna nito ang iniinom na taho bago papasukin sa istasyon.

Nagmatigas naman umano ang babae at nagpupumilit na pumasok sa istasyon ng tren dala ang kanyang taho.

Dito na tinawag ng mga security personnel si PO1 William Cristobal upang siyang magpaliwanag kay Zhang sa polisiya na ipinatutupad ng MRT-3.

Habang pinapaliwanagan naman ng pulis ang pasahero ay bigla na lang umano nitong itinapon sa pulis ang kanyang iniinom na taho.

Kaagad namang ­inaresto at binitbit ang babae sa Mandaluyong City Police Station at kinasuhan ng Disobe­dience to agent of person in authority at direct assault.

JIALZ ZHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with