Turistang Intsik nag-shoplift
MANILA, Philippines - Dinakip ng otoridad ang isang turistang Chinese national makaraang hindi ito nagbayad ng mga kinuhang “toiletry products” sa loob ng isang shopping mall, kamakalawa ng hapon sa Makati City.
Ang suspek ay kinilalang si Wang Xiaole, 28, nanunuluyan sa Antel Hotel, Makati.
Batay sa ulat, alas-3:35 ng hapon ay pumasok ang suspek sa Rustan’s Supermarket at dumampot ng isang lotion, 2 shave toners, isang moisturizer at toothpaste na nagkakahalaga lahat ng P2,400 at ipinasok sa loob ng dala niyang backpack saka lumabas ng hindi nagbabayad.
Paglabas sa pintuan ng suspek ay kinompronta ito ng nakasibilyang sekyu at inaresto ito.
- Latest