CSB-LSGH sumampa sa NCAA juniors Finals
MANILA, Philippines — Kinumpleto ng No. 3 St. Benilde-La Salle-Greenhills ang pagwalis sa No. 2 at back-to-back champions Letran mula sa 78-77 pag-eskapo sa Final Four papasok sa NCAA Season 100 juniors basketball championship kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Lalabanan ng Greenies ang Junior Altas ng University of Perpetual Help System DALTA sa best-of-three title series na magsisimula bukas.
Sinibak ng No. 1 Junior Altas ang No. 4 San Beda Red Cubs, 96-87, sa Final Four para sumampa sa ikalawang sunod nilang finals stint.
Nauna nang tinalo ng tropa ni dating PBA shooting guard Ren-Ren Ritualo Jr. ang Squires, nagdala ng ‘twice-to-beat’ advantage, ni two-time PBA MVP Willie Miller via overtime, 78-74, para makahirit ng ‘do-or-die’ game.
Humakot si Gillian Quines ng 28 points, 6 steals, 5 rebounds at 3 assists para banderahan ang St.Benilde-LSGH laban sa Letran.
“Talagang trinabaho namin kasi iyong Letran sobrang hirap kalaban,” ani Qunes na nagmula sa pagsisilbi ng one-game suspension. “Matagal namin silang pinaghandaan sa game na ito.”
- Latest