MANILA, Philippines — Pursigido si veteran Lyann De Guzman at ang Ateneo De Manila University women’s team na makasungkit muli ng korona sa UAAP Season 87 volleyball tournament na lalarga bukas sa MOA Arena sa Pasay City.
Katulad ng 5-foot-10 outside hitter na si De Guzman, gusto rin ni middle blocker Alexis Miner na madagit ang titulo sa huling taon ng paglalaro nila sa Blue Eagles.
Dalawang sunod na seasons na lumagpak ang Ateneo sa Final Four kung saan ay tumapaos lamang sila sa fifth place noong isang taon sa kartang 5-9 record.
Huling dapo ng Blue Eagles sa podium finish ay sa Season 84 kung saan rookie pa lamang sina De Guzman at Miner kasama sina Vanie Gandler, Dani Ravena, Janel Maraguinot at Faith Nisperos.
Sa nakaraang taon ay nakapagtala si De Guzman ng 15.3 points per game at impresibo ang naging laro nito kaya asahang nag-umento pa ito para sa Ateneo.
Tatalong beses na umiskor si De Guzman ng mahigit 20 points kasama ang season-best 25 markers nang talunin nila ang UE Lady Warriors sa second round.
Nagpalakas ang Ateneo men’s at women’s volleyball teams sa Japan noong isang buwan at parehong sumabak sa training camp sa isang pribadong unibersidad sa Kobe Shinwa University sa Kobe, Japan kasama si Ateneo volleyball program director Sherwin Malonzo.
Kaya tiyak na matutulis ang kuko ng Blue Eagles ngayong season.