Markkanen, Clarkson bumida sa panalo ng Jazz

SALT LAKE CITY — Nagbagsak si Lauri Markkanen ng 32 points para banderahan ang Utah Jazz sa 131-119 paggupo sa Los Angeles Lakers.

Nagtala si Fil-Am guard Jor­dan Clarkson ng 21 points, 9 rebounds at 7 assists para tulungan ang Jazz (13-40) na tapusin ang kanilang three-game lo­sing slide.

Nag-ambag si Keyonte George ng 20 points, 10 assists at 7 rebounds mula sa bench.

Kumamada si LeBron James ng 18 points, 7 assists at 6 rebounds para sa Lakers (32-20), habang may team-high 19 mar­kers si Rui Hachimura .

Umiskor si Luka Doncic ng 16 points at kumo­lekta si Austin Reaves ng 15 points at 11 assists.

Gumamit ang Utah ng isang 19-6 atake tampok ang back-to-back alley-oop dunks ni Walker Kessler para kunin ang 56-45 abante sa second quarter.

Idinikit nina James at Reaves ang Los Angeles sa 69-74 sa third quarter ba­go naiwanan sa 71-96 sa huling 3:06 minuto sa third period.

Sa Denver, humataw si Jamal Murray ng ca­reer-high 55 points, habang ipinoste ni Nikola Jokic ang kanyang ika-25 triple-double sa season sa 132-121 paggiba ng Nuggets (36-19) sa Portland Trail Blazers (23-32).

Sa Oklahoma City, umis­kor si Shai Gilgeous-Alexander ng 32 points para ibangon ang Thunder (44-9) mula sa isang 21-point deficit at agawin ang 115-101 panalo sa Mia­mi Heat (25-27).

Sa Dallas, bumira si Kyrie Irving ng 42 points at may 17 markers si Klay Thompson sa 111-107 pag­daig ng Mavericks (29-26) sa Golden State Warriors (27-27).

Sa Houston, naglista si Amen Thompson ng triple-double na 18 points, 11 assists at 10 rebounds sa 119-111 pagpapalubog ng Rockets (34-20) sa Phoe­nix Suns (26-28).

Show comments