Mabigat na pagpili

Maraming deserving pero 10 lang ang pipiliin.

Masikip ang labanan, kaya’t walang dudang mabigat ang trabaho ng Selection Committee na naatasang sumala at eventually pumili ng sampung idadagdag sa list of PBA Greatest Players.

Nabigyan ng honor ang sportswriter na ito na ma­pasama sa kumite na magsasagawa ng selection pro­cess na matatapos sa paghirang ng 10 Greats in time para sa PBA 50th anniversary celebration sa April 9.

Mapapasama ang sampu sa naunang 40 PBA Greats na naparangalan noong 25th and 40th anniversary rites ng liga.

Siguradong madaling piliin ang at least Top 8, pero madugo ang pagpili sa last two dahil nga maraming de­serving candidates.

Sa ganang akin, ila­la­ban ko ang mga stars na hitik sa achievements, longevity at impact na na­gawa sa kan­yang pla­ying years.

Nakaisang meeting na ang kumite at na-i-set ang selection process.

Feb. 27 tentatively na­­ka-set ang second mee­ting at maaaring magbi­gay na ng list of nominees ang bawat Selection Committee members.

Siguradong may lulutang na common nominees.

At kung meron nga, swak na sa banga ang kan­didato na ito.

Mas dadali ang traba­ho kung pare-pareho ang nominees ng bawat mi­­yembro.

Pero malabo ito.

Show comments