^

PM Sports

Eala reyna ng Yecla tourney

Chris Co - Pang-masa
Eala reyna ng Yecla tourney
Alex Eala

MANILA, Philippines — Naibulsa ni Alex Eala ang unang titulo nito sa 2023 season matapos ma­ngibabaw sa W25 Yecla - Open Internacional Feminine na ginanap sa Yecla Club de Tennis sa Spain.

Pinataob ni Eala si Va­lentina Ryser ng Switzerland, 6-3, 7-5, sa cham­pionship round para makuha ang korona.

Kinailangan ni Eala na magbanat ng buto sa hu­ling sandali ng laban para kubrahin ang panalo.

Nauna nang naitala ni Eala ang 7-5, 2-6, 6-2 panalo laban kay Katy Dunne ng Great Britain at ang 3-6, 6-1, 6-1 pananaig kay Nahia Berecoechea ng France.

Iginupo ni Eala si Victoria Rodriguez ng Mexico, 6-1, 6-3, sa quarterfinals at Lucia Peyre ng Argentina, 6-3, 5-7, 6-4, sa semifinals.

Ito ang ikatlong titulo ni Eala sa WTA.

Una na itong nagkampeon noong 2021 sa W25 Manacor sa Spain habang namayagpag din ito sa W25 Chiang Rai sa Thailand noong nakaraang taon.

Makailang ulit na nabigo si Eala sa Europe, United States, Thailand at Australia.

Kaya naman magandang resbak ito para sa Pinay netter.

Nasa rank No. 214 si Eala sa WTA sa pagsisimula ng taong ito.  Su­balit nahulog ito sa 266 sa nakalipas na ranking.

Inaasahang muli itong aangat dahil sa kanyang tagumpay.

vuukle comment

ALEX EALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with