^

PM Sports

Eala target ang korona sa Spain

Chris Co - Pang-masa
Eala target ang korona sa Spain
Alex Eala
Courtesy of Mike Eala

MANILA, Philippines — Puntirya ni Alex Eala na masikwat ang unang korona sa taong ito matapos umabante sa finals ng W25 Yecla - Open Internacional Feminine na ginaganap sa Yecla Club de Tennis sa Spain.

Bago makapasok sa finals, dumaan muna sa butas ng karayom si Eala para mailusot ang 6-3, 5-7, 6-4 panalo laban kay Lucia Peyre ng Argentina sa kanilang semifinal match na umabot ng halos tatlong oras.

Ito ang unang finals appearance ni Eala sa taong ito.

Makakasagupa ni Eala sa championship round si Va­lentinza Ryzer ng Switzerland na nagtala ng impresibong panalo sa kanyang hiwalay na semis game.

“Over the moon to be competing in my first final of the year! Bringing the positive energy on the court tomorrow,” ani Eala sa kanyang post sa social media.

Mainit ang simula ni Eala na mabilis na nakuha ang first set.

Subalit nakaramdam ng puwersa si Eala sa kanyang Argentine rival sa second set kung saan ilang krusyal na mintis ang nagawa nito sa huling bahagi ng laro,

Naibalik ni Eala ang pokus nito sa third set nang maaga nitong itarak ang 3-0 kalamangan.

Nakuha pa nito ang 5-2 bentahe nang maglunsad ng resbak si Peyre para makadikit sa 4-5.

Iyon na lamang ang nakayanan ng Argentina bet nang ilabas na ni Eala ang buong puwersa para makuha ang panalo.

Lamang si Eala sa service area matapos magtala ng 34-of-58 (58.6 percent) sa first serve laban sa  29-of-56 (51.8 percent) ni Peyre.

vuukle comment

ALEX EALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with