^

PM Sports

Golden Tigresses nabangasan!

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nilisan nina outside hitter Eya Laure at middle blocker Imee Hernandez ang kampo ng University of Santo Tomas (UST) upang lumaro sa professional league.

Kaya naman malaking butas ang kailangang punan ng Golden Tigresses para sa susunod na season ng UAAP women’s volleybal tournament.

Hindi na masisilayan si Laure suot ang UST jersey matapos magpasya na tumuntong sa panibagong yugto ng kanyang volleyball career — ang pro.

Sa kanyang post sa social media, humingi ng tawad si Laure sa UST community dahil hindi nito maibibigay ang inaasam na kampeonato.

“Patawad dahil hindi ko naibigay yung championship na deserve ninyo. But more than that, salamat. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang laki ng pasasalamat na meron ako sa inyo,” ani Laure.

Nagpasalamat ito sa buong UST community sa pag-yakap sa kanya sa buong 12 taong paglalaro nito mula high school hanggang college.

“To the UST Community, salamat at pinakita ninyo ulit sa amin ang Sea of Yellow. Walang makakapantay na suporta ang pinakita ninyo at lakas ng mga sigaw ninyo,” ani Laure.

Aminado itong mami-miss nito ang mainit na suporta ng mga fans at nangakong mananatiling nasa puso nito ang UST habang buhay.

Sa kabilang banda, nagdesisyon din si Hernandez na lisanin na ang UST para mag-pro.

Isa si Hernandez sa naging katuwang ni Laure sa scoring sa nakalipas na UAAP Season 85.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with