^

PM Sports

Prayer warriors, suporta bumuhos kay Tenorio

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumuhos ang suporta, dasal at simpatya para kay Barangay Ginebra guard LA Tenorio matapos ang kanyang pahayag patungkol sa labang pinagdadaanan kontra sa Stage 3 colon cancer.

Mula sa kanyang mga teammates sa Ginebra at Gilas Pilipinas hanggang sa mga dating coaches, karibal na manlalaro, basketball officials at fans ay nagkaisang ipahayag ang suporta ala-Avengers para sa “Iron Man” ng PBA.

“Dasal lang tol, kaya yan! Ikaw pa, ang lakas mo na tao. Kaya ka nga Iron Man eh. Dito lang kami tol. Madami nagmamahal sayo at nagdadasal. Pagaling at palakas ka, LA. See you soon sa laro ng PBA,” ani Marc Pingris na nakasangga si Tenorio sa maraming torneo tampok ang 2013 FIBA Asia Championship.

“Keeping you in my prayers, bro. Get well soon,” dagdag ni Andray Blatche na dating Gilas naturalized player at nakasama si Tenorio sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Bago inihayag sa PBA website ang kanyang official statement ay pumunta si Tenorio sa practice ng Gin Kings kasama si go­vernor at San Miguel Corporation Alfrancis Chua upang personal na ipaalam sa teammates ang kala­gayan niya.

Bukod sa teammates, nagpaabot din ng suporta sina Chris Ross at June Mar Fajardo ng San Mi­guel, Juami Tiongson ng Terrafirma, Matt Ga­nuelas-Rosser ng TNT at Paul Zamar ng NorthPort.

Pati ang mga coaches na sina Norman Black ng Meralco, Jamike Jarin ng Phoenix Super LPG na da­ting mga mentors ni Tenorio sa Ateneo kasama sina Chris Tiu ng St. Benilde at Ariel Vanguardia  ng Phoenix ay naglahad ng solidong suporta.

Maging ang mga opis­yal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na sina chairman at Senador Sonny Angara, at president Al Panlilio pati si dating PBA commissioner at PSC chairman Noli Eala.

“LA has been in many battles with us for flag and country. The SBP family is now with him and his family as they face this new challenge. Our prayers are with the Tenorio fa­mily. PUSO!,” ani Panlilio.

vuukle comment

LA TENORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with