^

PM Sports

2-year ban kay Baltazar sa KBL

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi umaayon ang kapalaran para kay Justine Baltazar matapos siyang lapatan ng dalawang taon na ban ng Korean Basketball League (KBL).

Isa sa mga pangunang dahilan ng naturang parusa ang kabiguan ni Baltazar na makakuha ng mga kinakaila­ngang dokumento para sa paglalaro niya sa naturang liga.

Masisilayan sana si Baltazar para sa kopona ng Samsung Seoul Thunder sa KBL.

Matapos maplantsa ang negosasyo ay kaagad bi­nigyan ang 6-foot-6 na si Baltazar ng mga kailangan ni­yang gawin para makapunta sa South Korea.

Kabilang na rito ang pag-aayos ng visa na inis­yal na kailangan para makapasok sa naturang bansa.

Subalit base sa imbestigasyon ng KBL disciplinary committee, walang isi­numiteng dokumento ang kampo ni Baltazar sa Korean Embassy.

Dahil dito ay nagpasya ang pamunuan ng KBL na patawan ito ng dalawang taon na ban.

Hindi makalalaro si Bal­tazar sa anumang team sa KBL sa taong 2023 at 2024.

Posibleng isa sa mga dahilan ng pagkakaantala ng pag-aasikaso sa visa ni Baltazar ang paglalaro nito para sa Strong Group sa 32nd Dubai International Basketball Championship sa Dubai, United Arab Emi­rates.

vuukle comment

JUSTINE BALTAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with