^

PM Sports

Fighting Maroons optimistikong madedepensahan ang korona

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mataas pa rin ang mo­ral ng defending champion University of the Philippines sa kabila ng kabiguan nito sa Game 2 ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament best-of-three championship series laban sa Ateneo de Manila University.

At tiwala ang Fighting Maroons na papanig pa rin sa kanila ang kapalaran sa oras na makaharap nito ang Blue Eagles sa importanteng Game 3 ng finals.

Malaki ang tiwala ni UP ace player Carl Tamayo sa kanyang mga teammates at alam nitong kayang-kaya ng kanilang tropa na madepensahan ang korona.

Kailangan lang aniya na maging handa at ma­ayos na maisakatuparan ang game plan ng kanilang tropa sa game day.

“Confident naman ako sa teammates ko. We just have to prepare well lang and play the right way, and I think we have a big chance to win the cham­pionship,” ani Tamayo.

Hindi naman na bago ang Fighting Maroons sa ganitong sitwasyon.

Matatandaang u­mabot din sa do-or-die ang cham­pionship series nang ma­panalunan nito ang kanilang korona noon lamang Mayo sa Season 84.

Sa naturang season, nakauna rin ang UP sa Game 1 (81-74) bago maitabla ng Ateneo ang serye sa pamamagitan ng 69-66 panalo sa Game 2.

Subalit nagwagi ang Fighting Maroons sa Game 3 (72-69) para matamis na angkinin ang korona.

At ito ang nais maulit ng UP sa oras na mu­ling magkrus ang kanilang landas ng Ateneo sa rubber match.

“We still have a chance to win in Game 3 hopefully we play the right way. Laban lang hanggang dulo,” ani  Tamayo.

Posibleng mabangasan ang lineup ng Fighting Maroons matapos magtamo ng injury ang isa sa key players nitong si Zavier Lucero.

Wala pang pinal na anunsiyo ang pamunuan ng UP  kung makalalaro ito sa Game 3.

Kaya naman naghahanda na ang Fighting Ma­roons  coaching staff ng adjustments sakaling hindi makapaglaro si Lucero. 

 

vuukle comment

FIGHTING MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with