^

PM Sports

McGregor pinigil si Cerrone sa loob lamang ng 40 segundo

Pang-masa

LAS VEGAS, Nevada — Sa kanyang pagba­balik sa Octagon ay nag­tala si dating two-di­vision champion Conor Mc­Gregor ng impresibong panalo.

Pinabagsak si McGre­gor si Donald Cerrone sa unang 40 segundo sa first round sa kanilang upa­kan sa UFC 246 kahapon.

Ito ang unang laban ni McGregor matapos ma­talo sa kanyang lightweight title bout kay Kha­bib Nurmagomedov 15 buwan na ang nakaka­raan.

Ito rin ang unang pa­nalo ni McGregor matapos noong Nobyembre ng 2016 sa Madison Square Garden kung saan ni­ya tinalo si Eddie Alva­rez para makopo ang UFC lightweight title at maging kauna-unahang si­multaneous two-weight champion.

“I feel really good, but I came out of here un­scathed. I’m in shape. We’ve got work to do to get back to where I was,” sabi ng 31-anyos na Irishman sa kanyang post-fight interview.

Kaagad pinadugo ni Mc­Gregor ang mukha ni ‘Cowboy’ Cerrone sa pa­mamagitan ng kanyang ma­tutulis na balikat.

At nang kumawala si McGregor sa kanilang pag­kakabigkis ay kumo­nekta siya ng isang head kick na nagpauga sa Ame­rican warrior.

Pinagsusun­tok ni Mc­Gregor si Cerrone na nag­tulak kay referee Herb Dean na ihin­to ang laban.

Nagsil­bi si McGregor ng six-month suspension at pi­nagmulta ng $50,000 sa gulong nangyari matapos ang laban nila ni Nurmagomedov.

Idinemanda si McGre­gor dahil sa panununtok sa isang lalaki na tumangging tanggapin ang kanyang ‘shot’ ng whiskey sa isang Dublin pub.

MCGREGOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with