^

PM Sports

Motolite pagpapraktisan ang PacificTown-Army

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kahit naselyuhan na ng Motolite ang hu-ling upuan sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Conference, target pa rin ng tropa na maiposte ang ikatlong sunod na panalo sa pagbangga nito sa PacificTown-Army Lady Troopers nga-yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtutuos ang dalawang koponan bandang alas-2 ng hapon at susundan ng bakbakang Chef’s Classics at Philippine Air Force na kapwa laglag na sa liga, sa alas-4 ng hapon.

Awtomatikong nadagit ng Motolite (9-5) ang hu-ling Final Four spot matapos igupo ng PetroGazz Angels ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers, 25-20, 25-15, 25-14 noong Miyerkules na nagluklok din sa kanila sa semis hawak ang 10-5 karta.

Ipaparada uli ni head coach Godfrey Okumu sa laban na ito sina Tots Carlos, Myla Pablo, Isa Molde, Bern Flora, Iris Tolenada, Marist Layug, Jessma Ramos at Thang Ponce.

Samantala, susubukan naman ng Lady Troopers na matuldukan ang kanilang three-game lo-sing skid at mapaganda ang placing sa standings ng liga.

Nalasap ng PacificTown-Army ang ikatlong sunod nitong kamalasan nang walisin sila ng Creamline Cool Smashers, 15-25, 18-25, 22-25 noong Miyerkules na tuluyang naglaglag sa kanila sa karera patungong Final Four ng torneo.

Babandera sa Lady Troopers si national team member Jovelyn Gonzaga kasama ang mga beteranong sina Ging Balse-Pabayo, Nene Bautista, Honey Royse Tubino, Lut Malaluan at Angela Nunag. FJ

 

MOTOLITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with