Balik-tanaw ni Black

Lubhang naging mabuti kay coach Norman Black ang bansang Pilipinas kaya wala siyang duda na dito na siya mamamalagi hanggang sa kanyang retirement time.

“I consider the Philippines my own country,” diin ni Black sa pakikipaghuntahan sa ilang sportswriters noong Miyerkules ng gabi. “My daughter has finished law and passed the bar. Without a doubt, she’ll practice her profession here.”

Masaya ang umpukan at kung anu-anong topic ang natalakay ni Black na patuloy na nagbubunyi sa pagbibigay niya ng PBA Philippine Cup ‘three-peat’ sa koponang Talk ‘N Text.

Siyempre may pagbabalik-tanaw sa kanyang pamamayagpag bilang PBA import noong dekada 80.

Tinuturing niyang mga imports na nagbigay sa kanya ng pinakamatinding pahirap sina Billy Ray Bates at Michael Hackett.

Saludo naman siya kina Chito Loyzaga at Abe King bilang mga local players na pinakamatinding dumepensa sa kanya. “Against Abe, it’s a pure battle. With Chito, we had a running battle. It’s who hits last and it continues to the next game,” kuwento ni Black.

Kumbinsido siyang mas pisikal ang laro noon. Ang kaibahan daw ay simple ang tirahan noon. “They hit you and go away quickly so as not to be caught. Now-adays, they hit back right away and so they’re caught and pay fines,” pagkukumpara ni Black.

Para sa kanya, ang mga pinakasalbahe ay sina Vic Sanchez at Onchie dela Cruz.

Lusot sila Rudy Distrito at Dante Gonzalgo? “They’re my former teammates. I don’t want to talk about them,” ani Black.

Para sa kasalukuyang panahon, di maiiwasan na pag-usapan si Japeth Aguilar.

“Playing time is earned,” reaksiyon ni Black sa demand ng manlalaro na siya ay ma-trade sa ibang team dahil sa kanyang playing time issue sa Talk ‘N Text.

“But first he must show up. How can you trade someone who’s not here. Then before anything, I’ll ask Japeth what he wants to do,” saad ni Black.

Nakakatuwa itong si Japeth. Marami na ang pinasakit ang ulo kahit wala pang napapatunayan sa pagla-laro maliban sa kanyang galing sa dunks.

Show comments