^

True Confessions

Hiyasmin (310)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

LINGGO. Dinalaw nina Hiyasmin at Dax si Mama Lira. Dinala rin ni Hiyasmin ang mga pasalubong sa kanyang mama.

Nagkataon na du­malaw din ang kaibigan ni Mama Lira na si Sonia. Nalaman ni Sonia nanggaling sa U.S. si Hiyasmin at na-meet dun si Mary Underwood.

“Sabi ko na at magki­kita kayo ng auntie mo, Hiyasmin. Hindi ako nagkamali sa aking kutob.”

Gulat na gulat si Hiyasmin. “Totoo po, Tita Sonia na sinabi mo na magkikita kami ng kapatid ni Papa?”

“Oo Hiyasmin. Maski itanong mo sa iyong mama.”

Tumango naman si Mama Lira.

“Nagbiro pa nga ako kay Lira na balatuhan naman niya ako sa ipamamana ni Rashid.”

Hindi makapaniwala si Hiyasmin dahil totoo nga ang sinabi ni Siony ukol sa mana.

“Tita Siony, mayroon ngang pamana sa amin si Papa.”

“O di ba tama ang kutob ko?” sabi ni Siony at tumawa.

“Ano pa po ang mga kutob mo, Tita Siony?’’ tanong ni Hiyasmin.

“Pupunta sila rito sa Pinas?”

“Tama po, Tita. Next year po.”

“Kutob ko rin Hiyasmin na buntis ka,” sabi ni Siony.

Napamaang si Hiyasmin. Totoo lahat ang sinabi ni Siony. Nakakahanga!

“Manghuhula ka talaga Tita Siony! E mahuhulaan mo po ba ang magiging baby namin ni Dax.”

Tumango si Siony.

“Babae ang baby n’yo! Napakaganda!”

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with