Hiyasmin (309)
“Pinaligaya mo ako Love,’’ sabing muli ni Dax kay Hiyasmin nang nasa bahay na sila. “Mahal na mahal kita!”
“Ako man, Love. Mahal na mahal din kita.”
“Mula nang manggaling ka sa U.S. ang daming nangyaring maganda ano?”
“Oo. Nagkasunud-sunod ang mga magagandang balita. Hindi ko akalain na mangyayari ang mga ito.”
“Pero talagang namamangha ako sa pagkikita ninyo ni Tita Mary. Imagine, wala sa hinagap mo na sa dadaluhan mong advertising congress ay naroon siya at speaker pa. Para bang napakaganda ng timing nang pagtatagpo ninyo. Mahirap paniwalaan o imposible pero nangyari.”
“Tama ka Love. Ni hinagap wala sa isip ko na sa dadaluhan kong conference ay dun ko mami-meet si Tita. Wala talaga akong inaasahang ganun. Ang totoo nga, wala na sa isip ko ang mga may kaugnayan kay Papa.
“Pero nung nagsalita na si Tita sa first day ng ad congress, hindi ko maipaliwanag ang naramdaman habang nakatitig kay Tita. Bakit gustung-gusto ko siyang makita. Kakaiba ang dating niya sa akin. Yun yata ang tinatawag na lukso ng dugo. Nun ako nagsimulang magkaroon ng kutob.”
“At nagkakatotoo nga ang kutob mo Love. Bilib na talaga ako sa’yo,’’ sabi ni Dax at niyakap ang asawa.
“Tapos, magkaka-baby na tayo. Ang saya-saya!”
“Oo nga. Maligayang-maligaya ako Love dahil magiging tatlo na tayo.”
“Kaya mula ngayon, ako na ang gagawa rito sa bahay. Kailangan ingatan mo si Baby.”
“Aba baka naman ma-spoiled ako.”
“Oks lang.”
(Itutuloy)
- Latest