^

True Confessions

Hiyasmin (307)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“SIYANGA pala ‘Ma, niliwanag sa akin ni Tita Mary na hindi sinad­yang sinunog ni papa ang kanilang bahay na ikinamatay kanilang magulang. May lumabas daw kasing balita na sinadya ni Papa na sunugin ang kanilang bahay dahil sa ginawa sa kanya ng mga magulang na pagmamanipula.

“Ang totoo raw story, naninigarilyo si Papa sa kama nito nang mahulog ang sigarilyo sa kama at nasunog ang bedsheet. Kaya raw niya nalaman ay dahil nakatawag pa sa kanya si Papa ng oras na iyon at sinabi ang nangyari. Pilit daw ina­apula ni Papa ang apoy pero kumalat na hanggang sa makaabot sa bintana at nasunog ang kurtina. Hanggang sa buong bahay na ang natupok. Bago pa makarating ang mga bumbero, ay naabo na ang bahay.

“Iyak daw nang iyak si Tita sa nangyaring iyon dahil wala siyang nagawa para mailigtas ang mga magulang at si Papa. Ang masakit pa raw, siya ang parang sinisisi ng mga kaanak ng kanyang ina. Kung hindi raw siya nag-migrate at nagpa-convert, hindi mangyayari ang lahat. Kaya mula raw noon, hindi na siya nakipag-communicate sa mga kaanak niya sa mother side.

“Ang dami palang naikuwento sa iyo ni Mary.”

“Oo ‘Ma. Ang haba ng kuwentuhan namin.”

“Teka nga pala, kailan ang balik mo rito sa Pinas?”

“Sa Sunday na, ‘Ma. Sasalubungin ako ni Dax sa NAIA.”

“Sige mag-ingat ka. Dito na lang uli tayo magkuwentuhan.”

“Bye Ma.”

LINGGO sa NAIA. Eksakto ang dating ni Hiyasmin. Naghihintay na sa kanya si Dax.

Habang naglalakad, sila patungo sa parking area, may binulong si Hiyasmin.

“Buntis na yata ako, Love. Hindi na ako dinatnan mula nang nasa U.S. ako.”

“Aba ang dami mong dalang magandang balita, Love!”

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with