^

True Confessions

Hiyasmin (278)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Tuwang-tuwa si Hiyasmin nang ibalita kay Dax na ipadadala siya ng kompanya para sa advertising congress na gaganapin sa New York. Ang pagpapadala sa kanya ay nataon din sa pagdiriwang ng Advertising Week.

“Ang suwerte mo naman, Love,’’ sabi ni Dax. Love ang tawagan nila ni Hiyasmin.

“Ang sarap sana kung kasama ka Love.”

“Oo nga Love pero hindi naman ako pupuwede dahil marami akong work. ‘Di ba kapo-promote ko pa lamang. ­Hayaan mo at sa susunod na biyahe mo magkasama na tayo—tour tayo sa Europe.”

“Sige Love.”

“Kailan ba simula ng Advertising Congress?”

“Next month na.”

“Hanggan kailan daw ang congress?”

“Mga two weeks daw—o baka three—hindi ako sure.”

“Matagal pala tayong magkakalayo, Love.”

“Oo nga Love.”

“Hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko.”

“Ako man.”

“Araw-araw magtawagan tayo.”

“Oo.”

Dumating ang araw nang pag-alis ni Hiyasmin. Mahigpit ang ­pagyayakap nila habang nasa NAIA.

“Mag-ingat ka Love,” sabi ni Dax.

“Ikaw din Love.”

Hinalikan ni Dax ang asawa.

Pumasok na sa loob ng airport si Hiyasmin.

(Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with