^

True Confessions

Hiyasmin (274)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“KUNG hindi pa magpapakasal ngayong taon sina Hiyasmin at Dax, baka hindi na sila magkatuluyan,’’ sabi ni Siony sa seryosong boses.

“Bakit?’’ may pangamba sa tinig ni Lira.

“Magkakaroon ng aberya na magiging dahilan nang hindi pagkakatuloy ng ka­ni­lang kasal.”

“Anong aberya yun?”

“Hindi malinaw Lira pero yun ang pagmumulan.”

“Diyos ko!”

“Kutob ko lang yan ha at hindi ko naman sinasabing 100 percent ay mangyayari. Kaya ang payo ko, magpakasal na sila nga­yong taon.”

“Sasabihin ko kina Hiyasmin at Dax.”

“Pero huwag mo namang tatakutin ang dalawa.”

“Ah hindi.”

“Pero di ba sinabi mo sa akin minsan na nagpaplano na silang magpa­kasal?”

“Oo—may plano na sila.”

“’Yun naman pala! Idaos na nila.”

“Sasabihin ko.”

“At ang importante, huwag akong kalilimutan na hindi imbitahin. Hindi kita iimikan kapag hindi mo ako inimbitahan.”

“Siyempre naman imbitado ka.”

“Salamat, Lira. Makakatikim din ako ng handa ng dalawa.

KINABUKASAN, duma­law sina Hiyasmin at Dax kay Lira. Tamang-tama, sa­sabihin niya sa mga ito na magpakasal na.

Pero hindi na pala niya kailangang sabihin sa da­lawa ang mga sinabi ni Siony.

Sinabi ni Hiyasmin na magpapakasal na sila ni Dax sa susunod na buwan.

Itutuloy

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with