Sam, sumubok ng ibang proseso para labanan ang sakit

Sumubok magpa-stem cell si Sam Milby.
Lumalaban sa type 2 diabetes ang actor.
“First time to try stem cell therapy to help improve my type 2 diabetes. Excited to share with you guys my journey. Thanks Villa Medica!” post niya kalakip ang isang photo na nakadapa sa bed.
Karaniwang sa butt, tinuturok ang stem cell.
Malaki ang sampalataya ni Nay Lolit Solis sa stem cell. Ang pakiramdam niya ay ito ang dumudugtong sa buhay niya sa kasalukuyan kaya baka nga makatulong ‘yun kay Sam.
Apat na beses na ring nagpa-stem cell si Korina Sanchez.
Andami namang pumuri kay Sam na naisip niyang gawin ‘yun.
- Latest