^

PSN Showbiz

Coco, wala nang hingahan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco, wala nang hingahan
Coco Martin

Tuluy-tuloy nang inilalabas ni Coco Martin ang kanyang mga bala matapos niyang ipinasilip ang mga maaksyong tagpo sa FPJ’s Batang Quiapo kung saan may mamamaa­lam na karakter sa mga susunod na episode.

Live na ipinasilip mismo ni Coco sa TV Patrol kahapon (Hunyo 16) ang set ng FPJ’s Batang Quiapo kung saan pinaghahandaan ang isang pangmalakasang engkuwentro kabilang ang mga karakter nina Jake Cuenca, Andrea Brillantes, at McCoy de Leon.

Bagama’t maingat si Coco sa mga detalyeng ibinahagi, nangako itong sunud-sunod na ang mga dapat abangan na makapigil-hiningang rebelasyon lalo na at nagsimula na ang pangangampanya ni Tanggol (Coco) bilang Mayor ng Maynila.

“Wala nang hingahan. Pinaghandaan namin ‘to at lahat ng eksena pinaghihirapan at pinag-iisipan. Ilang araw na namin shinu-shoot. Dire-diretso na lahat ng revelation at maraming character na dahan-dahan nang nawawala,” sabi ni Coco.

Sa isa pang pasilip na matinding bakbakan, makikita kung paano patutumbahin ni Tanggol nang mag-isa ang isang grupo ng mga armadong lalaki.

Samantala, gabi-gabi pa rin ang pagtutok ng manonood sa FPJ’s Batang Quiapo matapos itong magtala ng pinagsama-samang 11 milyong views sa Kapamilya Online Live para sa episodes nito noong Hunyo 12 at Hunyo 13.

Kahapon din ay naglabas ang serye ng bagong theme song at bagong poster upang opisyal na ilunsad ang pagpasok ni Tanggol sa mundo ng pulitika bilang ang Tagapag-Tanggol ng Pagbabago para makapaghatid ng tamang pagbabago sa taumbayan.

Patuloy na sinusubaybayan ang FPJ’s Batang Quiapo maging sa labas ng Pilipinas kung saan kasalukuyan itong umeere sa 41 na bansa sa Africa na kilala sa pamagat na Gangs of Manila.

Nakatakda namang tumungo mismo ni Coco sa Africa sa Hunyo 28 para sa unang meet-and-greet ng ABS-CBN doon para sa Kapamilya Live in Kenya kasama si Julia Montes.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with