Bianca, maraming takot!

Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Bianca Umali dahil napapanood na ngayon ang Encantadia Chronicles: Sang’gre. Kasamahang bida ng aktres sa bagong serye ng GMA Network sina Faith da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda. “Sa wakas, pagkatapos ng mahabang panahon ng aming pagbuo sa proyektong ito, it’s finally happened. Hindi na siya uusog, hindi na siya made-delay, wala nang problema. It is happening. Ang Encantadia ay magbubukas na po ulit. Mga Kapuso, mga Encantaddicts, at sa lahat pa po ng klaseng nabubuhay na nilalang na manonood, para po sa inyo ‘to,” nakangiting pahayag sa amin ni Bianca sa Fast Talk with Boy Abunda.
Ayon sa dalaga ay talagang malaki ang naging epekto sa kanya ng naturang serye. Nakatulong umano sa karera ni Bianca bilang isang aktres ang bagong programa ng Kapuso network. “Ang naging epekto na po sa akin is the growth that I have learned professionalism-wise, and also the growth in spirit and heart. Because in the two years, Tito Boy, it was never easy to just hold on to something na sobrang laki. And hindi mo alam kung kailan ba natin ito matatapos. And there’s so much fear, and there’s so much fear and pressure. Ako, ‘yon po ang maipagmamalaki ko alongside the changes in my career. It’s really the growth of who I am now because of Encantadia,” makahulugang paliwanag ng aktres.
Kung mabibigyan ng pagkakataong maisama ang isang malapit na kakilala sa Encantadia ay isang aktres umano ang iimbitahan ni Bianca. “Mylene Dizon, she is actually a mirror of who I am as a person as well. When we worked together, we realized, it’s kind of freaky na, para po kaming pinagbiyak na bato,” paglalarawan ni Bianca kay Mylene.
Jessy, nasabik kay Gerald
Simula ngayong Lunes ay mapapanood na sa TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWant at iWantTFC ang Sins of the Father na pinagbibidahan ni Gerald Anderson. Sinisiguro ng aktor na kapupulutan ng aral ng mga manonood ang bagong serye ng ABS-CBN.
Muling nakatrabaho ng aktor si Jessy Mendiola sa naturang proyekto. Masayang-masaya si Jessy dahil nabigyang muli ng pagkakataon na makatrabaho si Gerald. Matatandaang Huling nagkatambal ang dalawa sa Budoy noong 2011. “
Kabilang din sa bagong serye ng Kapamilya network sina Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin, JC de Vera, RK Bagatsing, Lotlot de Leon, John Arcilla, Joko Diaz, Tirso Cruz III, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Nico Antonio, Jerald Napoles, Alex Medina, JV Kapunan, LA Santos, Jeremiah Lisbo, Elyson de Dios at marami pang iba. — Reports from JCC
- Latest