^

PSN Showbiz

Hunk actor, nahuhumaling sa kapwa lalaki!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Kinahuhumalingan na rin ngayon ng mga babae at accla ang larong volleyball lalo na ng mga lalaki!

Gone are the days na dati ay sa basketball players nahuhumaling ang mga ito.

Pero ang ipinagtataka ng aming source, isang hunk actor na nakilala sa pagpapa-sexy nung nagsisimula sa showbiz eh nakikita ring nanonood ng  men’s volleyball, huh!

Balita pa ng aming source, very close na si hunk aktor sa players na to the point na nakapasok na sa dug out nila!

Sey pa ng aming source, plano pa ng hunk actor na ito na sundan ang players sa laro nila sa ibang bansa, huh!

Eh Richie-richie naman daw si hunk actor na can afford i-spoil ang players na ito kaya inggit na inggit sa kanya ang ilang designers na huma-hunting din ng V-player.

Lotlot, pinamanahan ni Cocoy!

Pakaiingatan ni Lotlot de Leon ang painting na ibinigay ng punanaw na singer-actor na si Cocoy Laurel na huli niyang nakita sa wake ang ina niyang si Nora Aunor last April.

Pumanaw na nitong nakaraang araw ang nakapareha ni Nora sa ilang pelikula. Anak si Cocoy ng dating vice president Salvador Laurel at stage icon Celia Diaz Laurel.

Sa post ni Lotlot sa kanyang Facebook page, sabi ni Cocoy kay Lot, “Lot, please keep this (painting)…I’m giving it to you as a gift. Keep it.”

Sa FB post ni Lotlot, “That painting is more than just a piece of art. It’s a symbol of your deep friendship and lasting love for Mom. I accepted it with all my heart and we will treasure it forever…”

Nagbigay pasasalamat din ang aktres-singer na si Lea na kasamahan niya sa stage. Pamangkin ni Cocoy sina Franco Laurel at Denise Laurel.

Same age namatay sina Nora at Cocoy pero walang detalyeng ibinigay sa dahilan ng pagkamatay niya.

Dustin, laging ligtas sa ligwakan!

Bakit kaya maraming ayaw kay Dustin Yu sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition?

Pero mula simula hanggang sa matatapos na ang reality show eh staying alive pa rin siya sa Bahay ni Kuya, huh!

Of course, open book na ang pagiging negosyante ni Dustin bago maging artista. Kahit hindi na pumasok sa showbiz, buhay na buhay pa rin siya!

Kasama kasi sa reality show ang pagboto ng mga manonood. Eh kahit ilang beses nang naging nominee for eviction si Dustin, hindi pa rin siya mailigwak sa Bahay ni Kuya, huh!

Eh money talks! That’s sad the reality!

ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with