^

PSN Showbiz

Angelica, nanibago sa entablado!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angelica, nanibago sa entablado!
Angelica Panganiban

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasubukan ni Angelica Panganiban ang pag-arte sa entablado. Bida ngayon ang aktres sa Don’t Meow for Me, Catriona na mapapanood sa Tanghalang Ignacio Gimenez ng Cultural Center of the Philippines hanggang June 29. Malapit umano sa puso ni Angelica ang kanyang karakter sa naturang stage play. “Siyempre sa relationship ng mother-daughter. Kung nandiyan pa ‘yung mother n’yo at may chance pa kayo talaga na makasama siya, mabigay ‘yung alaga na hinihingi niya parang bigay na lang natin,” bungad ni Angelica.

Aminado ang dating child star na talagang nanibago ngayon sa trabaho. Nakaram­dam ng takot si Angelica dahil sa mga bagong karanasan sa teatro. “Kasi punung-puno ng kaba lang ‘yung buong pagkatao. Kaya parang gusto mo lang talaga mawala ‘yung mga jitters, ‘yung doubts mo and ‘yung takot mo na baka ma-mental block ako and everything. Alam ko naman na ‘pag nasimulan ko, it will flow na lang eh. Ang ganda-ganda kasi ng script niya na tama ‘yung build-up para marating mo talaga ‘yung hinihingi do’n sa ending kaya ‘yung kaba sa akin is always ‘yung beginning,” pagtatapat ng aktres.

Si Peewee O’Hara ang gumaganap bilang ina ni Angelica sa bagong proyekto. Maraming mga bagay umano ang natutunan ni Angelica mula sa beteranang aktres. “Isa doon ‘yung confidence na rin niya. She’s a veteran pagdating sa aktingan, lalung-lalo na sa theater. So kapag minsan tinatakot niya ako, tinatanong niya ako sa mga lines niya. ‘Talaga? Tita, Phoebe naman eh. Huwag ako ‘yung takutin mo. Ako ‘yung first timer. Parang dapat ako ‘yung sasandal sa ‘yo.’ Tapos, tatakutin niya ako, ‘Hindi, totoo nga. Hindi ko talaga maalala.’ ‘Hala! Huwag kang gano’n,’” nakangiting kwento ng dating child star.

Ruru, hindi nagpa-double

Mamayang gabi ay magwawakas na ang Lolong: Pangil ng Maynila na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Hinding-hindi raw makalilimutan ng aktor ang kanyang karakter bilang si Lolong. “In the case of Lolong, Tito Boy, hindi ako kailanman magpapaalam sa karakter na ‘to dahil habambuhay na po siyang nakatanim sa puso’t isipan ko. ‘Yung Lolong talaga ‘yung nagpabago sa buhay ko. Ito po ‘yung lagi kong panghahawakan buong buhay. Ano man po ang mangyari. Kailangan ko lang mag-move forward. Hindi ko kailangang mag-move on. Hindi ko kailangang kalimutan itong bagay na ‘to. Itong nangyari sa akin, dadalhin ko ‘to habambuhay. Ito’y ikukwento ko sa magiging pamilya ko, magiging anak ko eventually,” makahulugang pahayag sa amin ni Ruru sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kahit magwawakas na ang serye ay lubos pa rin ang pasasalamat ng aktor sa mga tagahangang patuloy na sumubaybay rito.

Hindi umano nagpa-double si Ruru sa paggawa ng maaaksyong stunts sa serye. Para sa aktor ay mas mabuting maranasan niya ang lahat ng paghihirap bilang isang artista. “Siguro po ‘yung satisfaction, Tito Boy, ‘yung makita ko na ako ang gumagawa ng stunts, ibang fulfillment siya sa akin. Pinangarap ko ‘to, bata pa lang ako gusto kong gumawa ng action. Ngayong nagkaroon po ako ng oportunidad na gumawa ng ganitong proyekto, ayaw ko po siyang sayangin,” paliwanag ng binata. — Reports from JCC

ANGELICA PANGANIBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with