Lito, nahatak lang!

Naloka ako na sa celebrity wash-out nila na talagang naiwan si Lito Lapid at number 11 pa at mas mataas pa kay Imee Marcos.
Ang lakas naman ng endorsement ni Coco Martin para magawang itawid si Lito Lapid.
To see all the senators na lahat fighting eagles hihintayin mo talaga kung ano ang gagawin ni Lito Lapid.
Pero sana nga ipakita niya na hindi lang siya mahusay na artista, na isa rin siyang capable senator.
Well tapos na ang election, may mga aral na nakuha at nakita lahat. ‘Yung mga botante at kandidato, may nakitang aral.
So be it, sana maging mas mahusay na ngayon ang lahat. Sana mas maayos. Tulungan mo kami God para mas maging maganda na ang bayan namin.
Mga nagmamahal, ‘di nakalimot!
Hay nakaraos na namang ang birthday ko kahapon. Thank you, Lord.
Pero may bahid ng lungkot dahil nga nasa dialysis session ako. Talagang sa hospital ako nagpalipas ng apat na oras sa aking kaarawan, 78 years old na ako.
Masaya na rin dahil maraming bumati sa akin at may mga natanggap akong cake sa hospital.
Saka may ilang nagpadala ng pagkain.
Pero ang nagpalakas sa akin ay ang regalo ni Papa Miguel Belmonte at Papa Toby Tiangco.
Ang bongga-bongga.
Damang-dama ko ang pagmamahal ni Papa Miguel sa akin na hindi talaga nakakalimot tuwing magbi-birthday ako.
Hindi ko sasabihin kung magkano ang pinadala niyang happiness kay Salve para sa akin pero kung pipilitin n’yo ako, siyempre sasabihin ko.
Kidding aside, I love you, Papa Miguel. Lagi akong andito para sa buong Belmonte family.
Thank you rin Papa Toby at kahit sinasabing ikaw na ang susunod na Speaker of the House, hindi mo ako kinalimutan.
Bongga talaga ang mga mahal ko sa buhay.
At marami pang iba na nakalimutan ko na habang sinusulat ko ito.
Ano pa bang mahihiling ko sa buhay kundi pasasalamat na lang talaga sa mga patulong na nagmamahal sa akin.
Love you all.
- Latest