^

PSN Showbiz

Tom, patalikod na inilabas ang anak sa social media

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Tom, patalikod na inilabas ang anak sa social media
Tom Rodriguez at Korben

Nauna nang nag-face reveal si Ellen Adarna kay Baby Lilli, ang baby girl nila ni Derek Ramsay, sumunod si Tom Rodriguez sa semi-face reveal sa baby boy niyang si Korben. Ilang panahon na lang at parang magiging ready na sina Tom at ang mom ng baby to show their son’s face.

As it is, ang left side ng face at body pa lang ni Korben ang makikita sa bagong reels na pinost ni Tom.

Alam yata ni Baby Korben na bawal pa niyang ipakita ang face niya dahil kahit naglalaro, hindi siya malikot at careful na makita ang face niya sa camera.

Ang hearrtwarming ng caption ni Tom para sa baby boy niya. “Every day with you has been a quiet kind of magic, my son.

“Your laughter fills our home, your wonder fills our hearts, and your presence—however small—has made our world infinitely bigger. Your momma and I still catch each other smiling and asking, how did we ever get this lucky? And we meant it, every single time.”

Tama ba kami na nasa bansa sina Tom, his baby and the mom of his baby? Ang careful nila dahil hanggang ngayon, wala pang nakakakita sa kanila.

Hindi siguro lumalabas ng bahay si Tom kasama ang family niya, kaya walang nakakakuha ng photos na dapat lang for their privacy.

KC mas pinili ang calatagan kesa mag-New York!

Nasa Calatagan, Batangas si KC Concepcion at mabuti, walang nagtanong sa kanya kung bakit hindi siya kasama nina Sharon Cuneta na dumalo sa graduation  ng sister niyang si Frankie Pangilinan.

Kahit wala sa photos ni KC si Aly Borromeo sa Calatagan, masaya na rin ang fan at shippers nina KC at Aly dahil family ni Aly  ang mga kasama niya sa ipinost na pa­sasalamat dahil puro Borromeo ang apelyedo nang tinag ni KC.

Nasaan daw si Aly, bakit hindi siya nakasama sa photos?  Fur babies niyang sina Churro at Chica na nag-swimming pa ang kasama niya.

Hindi nawala ang mga makukulit na comment na sana mag-asawa na si KC. At mabuti at mabait ito, hindi sinasagot ang makukulit at pala desisyon na netizens. Sabi nga ng mga fans, bakit hindi nila hayaan sa kanyang love life si KC? Siya ang mas nakakaalam kung kailan siya mag-aasawa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with