^

PSN Showbiz

Manager ng sexy star na nawala, takot magbayad ng milyones na danyos

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Galit na galit ang talent manager na si Lito de Guzman nang makausap namin sa DZRH noong Miyerkules ng gabi dahil sa alaga niyang si Karen Lopez.  Ang VMX star na ito ay napabalitang nawawala ng mahigit isang linggo na.

Sobrang nag-aalala si Lito, dahil wala raw siyang kaide-ideya kung nasaan na ito, at kung napaano siya.

Bukod pa riyan, may nakabinbin siyang pelikulang ginagawa sa Viva, isa ang kay direk Roman Perez na Maalikaya, at ang isa ay para sa VMX Film Festival.

Nung kausap namin si Lito, nagpakita na pala si Karen na lalo pa niyang ikinagalit dahil basta na lang daw itong umalis kasama ang boyfriend, at pinatay ang cell phone at dineactivate ang kanyang social media account.

Walang pasabi kung ano ang gagawin, kung ano ang plano, basta na lang tinalikuran ang naiwang trabaho.

“Nawala siya ng May 5, sinundo siya ng ‘di malaman kung boyfriend, o Angkas o basta sinundo siya sa condo,” bulalas ni Lito.

Noong Miyerkules ay nagpakita na nga raw, pero hindi raw tumuloy sa magulang niya, kundi sa kanyang kapatid.

Nagpasalamat si Lito na awa ng Diyos, wala naman daw masamang nangyari sa kanyang alaga.

Sabi naman ng sexy star, umalis lang daw siya, na-detach ang sarili sa lahat, para makapagmuni-muni dahil nagkaroon daw ng anxiety, na-depress.

“So andun, buhay siya. Nagkaroon siya ng depression sa pamilya, halo-halo… ng boyfriend. Itong boyfriend naman, sinamantala ang kahinaan ng tao, dinala sa isang pro­binsya, sa isang isla. Siguro tini-take advantage ng lalaki, dahil ayaw nung lalaki na mag-artista. Iiwanan siya talaga kung talagang sumikat ‘yung dyowa niya ‘di ba?

“Ang nangyari, sinabayan ‘yung trip. Huwag tayo mag-cell phone for 10 days, eight days na wala tayong pakialam kung masira ‘yung shooting,” himutok ni Lito de Guzman.

Hindi na raw nito nasipot ang natitira pang two shoo­ting days sa pelikula ni direk Roman, kaya napilitan na lang daw silang palitan ito ng ibang artista at ni-reshoot ang mga eksenang nakunan nitong Karen.

“Sabi ko, hindi ka lang sa akin mag-sorry. Siyempre sa mga bossing sa Viva, kay direk Roman Perez. Naintindihan ko kung saan nanggagaling ‘yung galit niya. Dahil, ikaw ba naman may last day shooting ka pa, sa kalagitnaan ng movie. Paano mo ‘yun ma-wrap up lahat ‘yun na nakapag-start ka na ng 10, 20 sequences, tapos bigla ka na lang mawawala. Paano ‘yung conti­nuity?

“Dun ako nalungkot kay direk Roman. Kumbaga, ginagalang natin ‘yan e,” sabi pa ni Lito na galit na galit.

Kaya ngayong araw daw na Biyernes ay magkikita raw sila, makipag-meet  kay Boss Vic (Del Rosario). Hindi raw niya alam kung ano ang desisyon ni Boss Vic at direk Roman Perez.

Nag-reshoot na raw si direk Roman ng pelikulang Maalikaya at kung pababayarin daw siya ng damages, at kung ano ang desisyon, wala na raw siyang magagawa.

“Baka sa akin i-charge e may mga collection ako sa Viva. E ‘di ba meron akong mga movies na uncollectable pa, kasi nagpo-produce din ako. Baka sa akin naman automatic i-deduct ‘yun?” sabi pa ni Lito de Guzman.

Nagtataka pa raw siya sa pamilya ni Karen na parang hindi naman daw sila nag-aalala nung nawawala ito.

Siya pa raw ang nagkukulit na magpa-blotter na dapat, dahil ipinarating na raw nila ito sa kapulisan. Ilang beses na rin daw pabalik-balik ang pulis sa condo ni Karen, pati sa Viva ay pumunta na rin ay siya nga raw ang ginawa pang suspect sa pagkawala ng kanyang alaga.

“Baka may idea sila na ganun ang ugali ng anak nila na bigla na lang magtatago at lulutang. Feeling ko ganun. Nasanay na sila,” patuloy na pagmamarakulyo ni Lito de Guzman.

CASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with