^

PSN Showbiz

Bea, noon pa raw nililigawan para maging reyna ng supermarket

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea, noon pa raw nililigawan para maging reyna ng supermarket
Bea Alonzo
STAR/File

Wow, dadalo pala si Bea Alonzo sa event ng sinasabing karelasyon niya ngayon na si Vincent Co bukas, Friday.

Itatampok ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangako nitong kumonekta sa kabataang Pilipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nanga­ngarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay sa pagbabalik ng Nasa Atin Ang Panalo na mas pinalaki at pinabongga.

May mga bagong miyembro din daw pamilya ng Puregold, tatlo sa mga pinakamaingay na pangalan sa lokal na industriya ng musika—G22, Skusta Clee, at KAIA.

So si Bea kaya, magiging miyembro na?

Kilala bilang alpha females ng P-Pop, pinabibilib ng G22 ang mga tagapanood sa boses nilang malakas ang dating. Mula sa kanilang debut noong 2022, nakapaglabas na sina AJ, Alfea, at Jaz ng mga hit gaya ng Bang, Boomerang, Limitless —at ang pinakabago, Pa-Pa-Pa-Palaban.

Inilabas ng G22 ang music video na kolaborasyon nito kasama ang Puregold, ang Pagpili, noong April 9, at mabilis itong nakalikom ng higit tatlong milyong view sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang mensahe ng kanta ay paalala sa lahat na pumili nang buong tapang at ipagmalaki ang pinili.

Samantala, naglabas naman ng kantang Sari-Saring Kwento si Skusta Clee, isa sa pinakaimpluwensyal na pangalan sa Pinoy hip-hop, kasama ang talentadong rapper din na si Flow G. Tampok sa kanta ang matatalas na mga linya at mensaheng paniguradong tatama sa mga Pilipinong tagapakinig.

Kasama rin sa Nasa Atin Ang Panalo ang KAIA, isang P-Pop group na kilala sa kanilang mga visual at nakaka-inspire na mga kanta. Ilalabas nina Angela, Charice, Alexa, Sophia, at Charlotte ang kanilang Kaya Mo music video sa Hunyo 12, sa Araw ng Kalayaan, upang ipagdiwang ang kalayaan at tatag ng mga Pilipina.

Dapat ding markahan ng mga nagmamahal sa musika at mga mamimili sa nasabing supermarket ang Hulyo 5, 2025 dahil ito ang araw na titingkad ang Philippine Arena dahil sa Puregold OPMCON 2025. Mapapanood dito ang pagtatanghal ng SB19, BINI, G22, KAIA, Skusta Clee, Flow G, at Sunkissed Lola. Maituturing na pinakamalaking kaganapan sa OPM ngayong taon.

Abangan ang unang pagbebenta ng tiket sa Mayo 16 at 17 sa Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City.

Well, bukod sa nabanggit na event, ina­abangan nga ng lahat si Bea na diumano’y noon pa nililigawan ng negosyante, noong magkarelasyon pa diumano sina Bea at Dominic Roque.

Marrying age na raw si Mr. Co kaya ‘wag magulat kung mauuwi sa kasalan ang relasyon nila at magiging reyna na si Bea ng Puregold.

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with