Rhian, malala ang anxiety!

Nakapagpahinga na rin kahapon ang ilang mga artistang sumuporta sa mga kandidatong ikinakampanya nila.
Pero patuloy silang nananalanging maging maganda ang resulta ng botohan.
Nag-post na si Rhian Ramos sa kanyang X account na kung gaano kataas na ang anxiety level niya. Pero ipinapanalangin niyang maging mapayapa lang ang patas na eleksyon.
Aniya, “There’s this funny feeling I get before every election…yung nagkaroon ka ulit ng pag-asa na may magbabago na sa Pilipinas, but at the same time, takot ka ding umasa (sweat smile). Lord, help us all (praying emoji) may we have a safe, peaceful and fair election. Anxiety level 3000 for the next 2 days.”
Sabi rin ni Iza Calzado na napaka-visible sa mga pinupuntahan nitong kampanya, ginagawa raw niya ito para sa kinabukasan ng kanyang anak.
“Siyempre everything now is through the lens of my child.
“Ang iniisip ko lagi, paano maging mas maganda ang bayan, ang Pilipinas para paglaki ng anak ko, mas maganda ‘yung Pilipinas at ‘yung ma-experience nila. ‘Yun lagi ‘yung iniisip ko. I really wish our country the best,” sabi ng aktres.
Hiningan din namin ng opinyon si Dennis Trillo pero ayaw na raw niyang sumali at mas mabuting tahimik na lang para hindi na masita ng iba ang kanilang paniniwala sa pulitika.
Pero nakita ko sa isang kampanya sa probinsya na may dinaluhan sila ni Jennylyn Mercado na isang rally ng party-list.
Mukhang entertainment lang naman ang sa kanila roon, pero sabi nga niya, mas mabuting huwag nang makisali.
Aniya, “Mahirap na kasi minsan e. ‘Pag meron kang pinanigan na isang ano at malaman ng ibang tao, ta’s hindi naman kandidato ‘yun halimbawa at maari kang masabihan ng hindi maganda, depende sa paniniwala nila.”
Ipanalangin na lang natin ang maayos na eleksyon at sana manaig ang mamamayang Pilipino sa halalang ito.
Dustin, nakaligtas
Sobrang intense ang nararamdaman ng mga sumusubaybay sa housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab dahil sa weekly task na pinapagawa sa kanila.
Number one trending si Shuvee Etrata kahapon dahil sa hirap na pinagdaanan nito para makuha lang ang galit kay River Joseph bilang isa sa dapat na gagawin nilang task.
Kaya lalong dumami ang supporters ni Shuvee dahil sa mga ipinakita nito sa Bahay ni Kuya.
Halos lahat sa X ay talagang pinu-push nila na dapat ay nasa top four daw ang Cebuanang Kapuso comedienne.
Trending din si Dustin Yu pagkatapos niyang maligtas sa eviction noong Sabado.
Nagsisigaw ito sa loob ng eviction room dala na rin siguro ng sobrang tensyon at pagkalungkot sa pagka-evict kina Josh Ford at Ralph de Leon.
Si Ralph ang sobrang tinamaan nang husto dahil sa lagi na lang siya napapasama sa nomination pero tatlong beses siyang nakaligtas sa eviction. Itong pang-apat ay natuluyan na siya.
Ang dami ring nagalit at nalungkot, dahil siya raw talaga ang sobrang nabiktima nang husto.
Pero sobrang nakuha nila ang matinding popularidad sa kanilang paglabas ng PBB house.
Samantala, inalalayan nang husto ng mga kapwa housemates si AZ Martinez dahil sa pagkalabas ni Ralph de Leon.
Tuluyan nang nakipag-break si AZ sa kanyang boyfriend na si Larkin Castor, at nakikita namang tila nagkakadebelopan na sila ni Ralph.
Sobrang apektado rin ang Cebuana ring Sparkle artist sa paglabas ni Ralph. Sabi niya, “Last time ganito ako brokenhearted ako. Ba’t parang brokenhearted ako ngayon?”
Si Esnyr ang talagang nakaalalay nang husto kay AZ para hindi ito malungkot nang husto.
- Latest